Monday, February 12, 2007
HEED MY WORDS

tagalog post ngayon! ^^ maayos naman ang araw na ito. na-late nga lang kami dahil sa napakabagal na trapiko. sumakit nga ng husto ang aking ulo eh. sa sobrang init ba naman nun at hindi ako makatulog. pagkadating sa iskuwelahan hindi na namin naabutan yung buong celebration sa kaarawan ni FR. ANGELO, ang aming principal. Ang cute nung powerpoint presentation para sakanya. Meron pa siyang BANNER na may piktyur na parang kakandidato sa eleksyon. haha. :)) Ang sarap nga gawan ng slogan eh.
BIRTHDAY PALA NI BAKEKANG BUKAS. T_T
Typical na araw, tawanan, kulitan, mga kawalangyaan. okay na sana kung hindi nag science. hindi ko talaga mabura sa utak ko yung practical exam na yun. nabuwibuwisit talaga ako. yung pukpok nung arnis parang nag eecho. tangnang test yan. buti nalang di ako bumagsak. para namang may makakaperpek nun! OHMAGAS. yun lang masasabi ko.
Nag 5:30 ako kasi dapat mag prapraktis kami para sa music. kaso nauna ang katuwaan. ayun, nagtuloy tuloy na. wala tuloy kaming napraktis kundi ang aming mga tiyan sa kakatawa. ewan. tinatamad pa kong gumawa ng script. kelangan pa ba kasi nun? ang sabi kasi ni sir crisostomo 10 mins. presentation. Anak ng tinapa, may istorya pa. kakaiba.. may concept na kami kaso hindi pa organize yung thoughts namin. kaya medyo magulo pa.
Namomroblema pa ko sa dapat dalhin bukas. ayoko mag PE. ayoko ng napapagod. sige, hindi nalang ako mag PE. nakakatamad eh. vivideohan ko nalang si SIR CABUANG sabay lagay sa YOUTUBE. para masaya naman. HAHA.
Ano bang masarap na pagkain? nagugutom na ko. ubos na yung mango float-ish ko.
Sa ngayon, wala na munang patutunguhan ang buhay ko. kung meron man, edi masaya, edi mabuti, edi okay.
Labels: kawalan
10:27:00 PM