Thursday, October 26, 2006
buzzing lights.
habang nag-aaral ng filipino e nainspire akong gumawa ng tula. haha. ewan bigla nalang lumabas sa utak ko tapos ayun. balagtas kasi e, iniimpluwensyahan ako. HAHA!
Kaluluwa'y lulong
sa panaginip na kinukubli
udyok ng pusong liwaliw
sa mundong hindi mo pa lubos na kilala
kelan ba aaminin
kelan pa sasabihin
babaha pa ba ng luha
magpapaputok pa ba ng pla pla
hindi na ata kelanman
lalabas ang katotohanan
mula sa yong bunganga
ako'y litong lito
ako'y batong bato
sana ay alam mo
ang galit sa dibdib ko
pagod na ko
sa ganitong sitwasyon
sa paghanap ng sagot
sa mga masuring kuwestyon
paano na ngayon
muli mong pinahamak
aking buong mundo
aking buong pag-iisip
muling binigo
pinuno ng lilo
gahaman na kung iyong sabihin
dapat ikaw ay maging akin
ako'y litong lito
ako'y batong bato
malamang ay alam mo
ang galit sa dibdib ko
whew. haha. pasensya na. amp.
6:25:00 PM