JAE JOONGIE AH IS MY BOO♥

Monday, September 25, 2006
bummer man.

CRAP.

ilang milyong taon na pala akong di nakakapag post.

my dear, siguro alam niyo naman na nanalo ang SAN BEDA RED LIONS sa NCAA nung Friday. amen. YEEEHEEEY. At masaya ang party. SAYANG talaga kung hindi kayo nakapunta sa mendiola. May mga bands (PNE, Six CYcle Mind, Mayonnaise, Spongecola, Moonstar 88, Shamrock) di ko lang sure kung may iba pa since hanggang spongecola lang yung natapos ko kasi !*^$%#} 12 am na! at kailangan ng magbabay sa mga players HAHA. narinig ko nalang na nagperperform ang moonstar 88 ng PANALANGIN habang naglalakad sa may gate.

Oh my dear, natatakot nga akong umuwi nun e. kasi feeling ko talaga na papagalitan ako. Medyo nanginginig ako nung nakarating ako sa bahay. nakatayo ako sa may gate, parang ayaw ko tong buksan. naglalaro sa ulo ko yung phrase na (1:30?! uwi ba ng babae yan?) ang napaalam ko kasing uwi time e 9-10 pm. pero 1:30 na yun ng umaga.

ALAM niyo, hindi ako pinagalitan. AS IN HINDI. T_T. hindi naman sa iniisip ko na walang paki sakin ang aking inay.. pero parang ganun na rin. hehe. wala lang. punyepak(<--san ko ba napulot toh?!?!) kaya sinabi nalang ng mother ko e kumaen at matulog. so. ayun.

Naglalaro ate ko ng Pokemon Crystal. BWAHAHA. wala lang. well, nilalaro ko kasi e SAPPHIRE. haha. WALA LANG ulet.

so bukas ko nalang ikukuwento yung mga napanood kong mga bayolente at duguuang pelikula. haha. pero nag ENJOY ako dun. haha.

eto yung mga movies: Battle Royale, Battle Royale 2, Suicide Circle/Club. controversial yang mga yan. pero may sense.

info sa battle royale: www.battleroyalefilm.net

im off. bummer.



EDIT.

ayan. masaya manood ng battle royale. pero kung isa ka sa mga taong takot sa dugo, e hindi ko irerekomenda na panuorin ang mga pelikulang pinapanood ko. at malamang baga receta ng doktor ang maaabutan mo pag nagpumilit kang manuod nito. o kaya ay diretso ka sa emergency room ng makati med. paunang babala na yan.

kung mahilig ka naman sa mga bayolenteng bagay at sa mga trip ko edi friends na tayo. haha. kung tutuusin baka kelangan rin talaga ng mga eskwelahan sa pilipinas tulad ng san beda(lol) ang battle royale law. pipili lang dapat ng pinaka pasaway at di kagandahang section sa bawat year level. ayun! tsaran! may mga bata nang magpapatayan!may mga dagger at M-16. haha.

dun naman sa suicide club na pinanood ko. hmmm. dito mas maraming dugo. may 53 girl students ba naman ang nagpakamatay sa mala lrt station?!?! edi nagsitalsikan yung dugo ng mga estudyante. tapos kung nandun ka naman sa loob ng tren e kawawa ka naman. matatalsikan ka lang naman ng dugo o kaya ay makikita mo sa iyong bintana ang nagliliparang body parts. medyo kadiri to para sakin. kaya panuorin niyo nalang.

so ayun. nagsayang lang kayo ng oras. parehas lang tayo.


7:37:00 PM
<body><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4880903842810101313&blogName=fengfeng%3Dsiao siao&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>