JAE JOONGIE AH IS MY BOO♥

Tuesday, August 29, 2006
swerte at malas.

hindi ko na natuloy yung dapat kung i-eedit sa last post ko. sa dami ba naman kasing gagawin! aba, at nagawa ko pang magpost! kahayupan talaga noh?!?!?

oo. kahayupan talaga. nanalo kami sa speech choir! TAMA! di talaga kami makapaniwala. hehe. after sa mga paghihirap ng vocalizations, pagkapaos ng mga boses, pagkasugat ng mga tuhod, walang kasawa sawang paglilinis ng classroom at pag sta-stay hanggang alas-siete. salamat sa diyos at nagbunga lahat ito.

Ang tanga tanga ko nga e, akalain mo mali yung entrance ko.. sa kabilang side ako nag entrance.. nakakahiya. haha. pero infarnes, hindi siya nahalata.. Minamalas nga naman at nagka technical problem sa powerpoint slides namin.. yung laptop kasi ni cha, hmfp. haha. nakapose lang kami dun na parang mga timang at parang naghihintay ng himala ng nazareno. dahil sa palpak na slide show e hindi alam ni limlengco kung papaano papasok. kaya si apple nalang ang pumasok. hay. akala ko rin ang hihina ng boses namin, pero sabi nila malakas naman daw. haha. nanginginig nga ako ng sobra e! nakakakaba kaya?!?! as in. pagkatapos ng presentation namin, nanuod nalang kami tapos naiiyak na kami sa mga presentation ng iba. maslalo na yung sa 23 at 21. sa tingin ko nanalo yung 25 dahil sa sandamakmak nilang props.

Nung i-aanounce na yung winners, 2-25 3rd place, parang okay! may pagasa pa tayo! pagkatapos, 2-21 2nd place! lintsek, parang iiyak na si mam duka nun e. haha. tapos nung sinabi dalawampu e hindi muna kami nagreact, kasi mamaya may kasunod pala edi napahiya naman kami diba.. e wala kaya. WOOHOO. haha. angsaya. umiyak pa nga si nicole e, tapos kami ni apple nakahiga na sa sahig at gumugulong sa tuwa. magprepresent ulit kami sa thursday. ayoko nun. nyahaha. nainis lang ako nung may nagreact na negative at sinabing "si sonajo kasi e!". For Your Information: kami gumawa nung buong act na yun! tinulungan lang kami ni sir sonajo sa vocalization at music at ibang actions. PERO KAMI GUMAWA! nagalit kasi samin si sir sonajo nung hindi kami nakapagpraktis nung una kaya pinabayaan niya kaming bumuo. at salamat sa diyos, naubos ng ikatlong beses ang brain cells ko. AMEN! kaya empty at walang wala ka ng makikita.

sa kasalukuyan kailangan ko pang gumawa ng 2 assignments, 2 projects. hanep! aalahaninpa pala yung filipino program sa thursday. T_T

AJA. kaya ko yan. kayang kaya.

pero minamalas ako. WAAAAAAA! lintsek ulit! :((
9:46:00 PM
<body><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4880903842810101313&blogName=fengfeng%3Dsiao siao&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>