JAE JOONGIE AH IS MY BOO♥

Tuesday, May 02, 2006
"oro".. ano ito..?

simple lng. gold.

grabe. andito ako ngayon at nagbabalik. ikukuwento ko nlng ung mga nangyari nung mga nakaraang araw. ipapamagatan ko tong. "adventure ba ito?!" (exciting!). wala lng. joke lng yan. hehe

pagkatapos ng 7 hours na biyahe (dapat 6 hours lng kaso kumain kmi sa jolibee.hehe). sa wakas nasa destinasyon na kmi. magsisimula na ang journey. akala ko. tinamad lng ako at dahil kabiybiyahe lng e inantok nlng ako at natulog sa sofa. ang kasama ko lng kc umuwi sa province e ang dad ko, mom ko, tito kong balikbayan, at ang MAGALING kong ate.

parehas kming tumba ng ate ko. tulog. kain at tulog lng kmi nung first day. wala pa kc ung kuya hansel ko at ung kabarkada niyang c ate pheobe. hala. kaya tulog lng. pagkagising ko 12 na. sobra ko sa tulog kaya medyo sumakit ang ulo ko. at nandyan na c kuya at c ate pheobe. owkey na. lamunan ulit ng masasarap na pagkain. pagdating ng gabi. fiesta na. dun sa piyestahan b-o-r-i-n-g. boring kahit na ang lakas ng sounds at parang rinig sa US ang tugtog. napakain nlng ako ng baloot para masaya.pag uwi sa bahay doon. naku. ang mga pinsan ko. handang lumaklak. patay. andiyan na sila. at narito na ang kasiyahan. dahil nga fiesta, pwedeng lumaklak ng anumang beer at alcoholic beverages. oo alcoholic. pero hindi ako hah. pwede na cguro ng wine. hehe. mukhang masarap ang pulutan. pero di ako iinom. nasa isang table kmi at nakaikot. clockwise paikot ung iinom. out na ko sa circle. ayokong maglasing. hehe. pinatulan ko nlng ung hilaw na mangga at bagoong. kinuha ko nlng ung 7 up nilang panulak at un nlng ang nilaklak ko. vodka ba nmn kc ang iinumin nila. haysusko. wag nlng. khit pinipilit nila ako. xmpre ayoko no!


nandun kmi sa terrace hanggang 4:00 am. salamat sa diyos awat na cla. pero, ano toh?!? lalabas papala kmi at maglalakad. iniwan ko ung discman ko at sumama sa kanila. hindi ko alam kung saan sa mundo kmi mapapadpad. jusko. kuwento cla ng kuwento ng tungkol sa multo nung nag iinuman cla. ung pinsan kong c kuya jan e nahulugan daw ng hikaw. tapos pagpulot niya nung hikaw e nakasara ung lock. aus. paano un? malamang minulto nga siya. sa eskuwelahan kmi mapapadpad. oo dun sa haunted na eskuwelahan sa tapat ng bahay. grabe. wlang buwan nun. madilim lhat. parang ako. HUWAT? SERYOSO BA KAYO?!?!. ewan ko ba pumasok sa utak nila. ayoko narin umatras. nandun na kmi sa loob. juskopo. andilim. kapit kmi ng ate ko kay ate pheobe. kawawa nga siya at tili ng tili ang ate ko. hehe. anlayo na nmin. napansin ko dumadaan ako sa isang makitid na daanan at pagdating sa dulo biglang. WHAAA! napatili ako ng malakas. WALANGYA tlga!!! nanakot ang magaling kong mga pinsan. nakaputi pa nmn ung isa. actually dalawa clang nanakot. hay susko. hinampas ko kaagad ung mga pinsan ko. wala na akong makita nung mga sandali na iyon. at papunta kmi sa ilog! oo tama sa ilog. nabalitaan lng na may gumagalang white lady dun. juskopo tlga. aus cla. nakarating na kmi sa ilog. nandun kmi sa tuktok ng wall na semento. humiga kmi. ang ganda. ang dilim. andaming STARS. asteg ang kalangitan. marami kang makikitang constellations. HANEP. akala ko may nakita akong ufo. umiilaw kc e. satellite pla un sabi ng MAGALING kong ate. umalis narin kmi ng mga 4:10. langyah, may ibang daanan papala papunta dun. kelangan ko pa bang madaanan ang eskuwelahan na haunted? pero okei lng. yan ang thrill. exciting. ang journey.
5 am na kming nakatulog lhat. pupunta pa kming baguio kinabukasan. sbi ng mom ko gcng daw kmi mga 8 am. hah? wag nlng kaya ako matulog?! natulog parin ako. kelangan e.


humanda ka na ulit baguio. babagyuhin ko ang city of pines. pero. 12 na? oh noh!?! nagtext ang mommy ko sa kuya ko na dalhin na ung kotse dun sa kabilang bahay (dun tumitira and dad at mom ko pag nasa province kmi). nyak. teka lng maliligo pa ko! waa. hintay. nkaligo na c ate. pero nagagalit na c mommy at huwag na daw kming sumama! naka. pagbalik ni kuya sabi niya sangkaterba ang nasa van nmin. kaya pla di na kmi sinadyang isama dhil marami silang isasamang kamag anak nmin?!?! tama ba un?!?! nautakan kmi ng nanay at tatay ko. antalino nila. naka. pero masmatalino kmi. haha. pupunta din kmi ng baguio. magcocommute lng kaso kmi. pero okei lng yon. ayos parin. ligo na para makapunta na sa baguio. handa na kming lhat. kasama ko c ate yen, ate pheobe, ate ko, kuya hansel, at c cousin budjak(jay). sakay tricycle at sa bus. nagbasa muna ako ng libro ni master BO. sobrang naaliw ako. khit ilang beses ko na un binasa. tawa parin ako ng tawa. "PLEASE HELP OUR COMFORT ROOM CLEAN". haha! sobra! at di ko napansin. VOILA! BAGUIO NA PLA!


bumaba na kmi at sumugod sa SM BAGUIO. sawa na ko sa pasyalan ng Baguio sa dami ng beses na ko nakapunta doon. kaya ang habol ko nlng sa BAGUIO e ung mall. para makapag arcade na rin ako. hehe. umakyat kmi sa 3rd floor para mapadevelop ung mga pics nmn sa digi cam. habang naghihintay bumili muna ako ng ice cream sa thumbs up! ayos. ice cream sa baguio. pagkatapos, pumunta kmi ni ate pheobe sa national bookstore. bumili ako ng libro ni master BO. ABNKKBSNPLAKo?!?!? at ang paboritong libro ni hudas. 3 na. 2 nlng. wala daw stainless longganisa doon e. kakainis.next, pumunta kming grocery dhil bibili c ate ng c2. ano c2? okey rin pala c ate. pumunta sa SM BAGUIO para bumili ng C2. nilibre nman ako ni ate yen ng ice cream. oo, ice cream ulit.(un talaga ang madalas nmning bilhin sa baguio, ice cream!) lumabas na kmi ng SM at pumunta sa stalls sa labas at tumingin ng mga abubot. may kamukhang statue pa nga c machete dun e. hehe. mag fafive pm na pla kaya pumunta na kmi sa bus station para sumakay. di na kmi nakapunta sa bahay sa baguio para gulatin ang mga magulang ko. may nadaana kming magandang gotohan kaya sabi ko. kain tayo. kaya aun kumain kmi. ang menu ng lugaw.

LUGAWLUGAW UTAK (ano too?)
LUGAW ISAW (isa pa too!)
LUGAW GOTTO
SOUP#5 WITH LUGAW (huwaw! soup#5! aus!)
TOKWA'T BABOY
TOKWA'T BABOY


masarap nmn. hindi lng lugaw ang meron xmpre. may noodles at iba pa.
tapos na kming kumain at sumakay na ng bus para makauwi. ambagal ng bus nmin. pababa na nga e ambagal pa.

huwalangyah tlga. mga 7 na kmi nakarating. may fiesta no 2 pa. grabe na to. yooko na!

mahaba haba na to kaya bukas ko nlng ikukuwento ung iba. =D



9:56:00 PM
<body><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4880903842810101313&blogName=fengfeng%3Dsiao siao&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>